Isinagawa ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang Emergency Medical System o EMS Protocol Writeshop noong Lunes sa Hive Hotel sa Timog Avenue. Lumahok sa seminar ang iba't-ibang hospital care professionals mula sa pampubliko at pribadong ospital, at mga ahensya sa QC. Ang EMS protocol trainning ay naglalayong bumuo ng organisadong sistema na magpapatibay sa relasyon ng pamahalaang lungsod at mga ospital.